18 May 2025
Calbayog City
National

Kabuuan ng Kanlaon City, ituturing na danger sa worst-case scenario ng pagputok ng Kanlaon Volcano

POSIBLENG ilikas ang buong Canlaon City sa Negros Oriental, sakaling umabot sa worst-case scenario ang pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, inihayag ni Office of Civil Defense Region 7, Director Joel Erestain na hindi ganoong kalaki ang Canlaon City, at kapag itinaas ang Alert Level 4 sa bulkan ay lalawak sa 10 kilometers mula sa 6 km ang danger zone, at kaunti na lamang ang matitira sa lungsod.

At sa pinaka-malala umanong maaring mangyari ay posible pang umabot sa 14 kilometers ang danger zone, at wala na halos matitira sa Canlaon City.

Ibinabala ni Erestain na bagaman bahagya nang humupa ang pagbubuga ng abo ng bulkan, hindi pa rin dapat maging kampante dahil pwede pa rin itong pumutok ng mas malakas.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.