14 May 2025
Calbayog City
National

5 puganteng dayuhan, nasakote ng Bureau of Immigration

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang limang puganteng dayuhan na nahaharap sa mga kaso sa kanilang pinagmulang mga bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, kabilang sa mga naaresto ay isang American, Chinese, Taiwanese, at dalawang Koreans.

Ang American na si Paul Raymond Ross, 66-anyos ay nadakip sa Kabankalan City, Negros Oriental dahil sa pagiging wanted sa extortion at harassment sa Pennsylvania.

Sa Lapu-Lapu City, Cebu naman nadakip ang dalawang overstaying Koreans na sina Jung Yunjae, 26, at Jeon Hyeonuk, 41, na parehong wanted sa kasong kidnapping sa Korea.

Ang Chinese national na si Ji Shunchao, 64-anyos ay wanted sa kanilang bansa sa pag-claim ng pekeng tax refunds.

Habang ang Taiwanese national na si Ye Tian Hao, 32-anyos at dinakip sa Pasay City dahil sa kaniyang kasong fraud sa Taiwan.

Ayon kay Viado, ipatatapon palabas ng bansa ang limang dayuhan dahil sa pagiging undesirable aliens.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.