PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang pamamahagi ng Family Food Packs sa mga mangingisda, vendors, at mga obrerong naapektuhan ng habagat at red tide.
Ito’y bahagi ng kolaborasyon sa pagitan ng Calbayog City Government at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 8.
Mahigit 196 billion pesos na halaga ng mga proyekto, inendorso ng Regional Development Council sa Eastern Visayas
Calbayog bishop, hinikayat ang lahat na maging instrumento ng pag-asa at pagbabago sa lipunan
NGCP, may pahinumdom hiunong hin pagpapalupad hin saranggola
Regional Level Top 7 Most Wanted Person, arestado ng Calbayog CPS
Sa distribusyon na pinangasiwaan ni DSWD Provincial DRRM Coordinator Francis Batula, tumanggap ang mga pamilya ng mga kinakailangang tulong kasunod ng pananalasa ng mga kalamidad.
Nagpasalamat si Mayor Mon kina pangulong Ferdinand Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian sa kanilang mabilis na tugon at ayuda.
Binigyang diin din ng alkalde ang kahalagahan ng suporta ng pamahalaan sa panahon ng krisis, para tiyaking makatatanggap ang mga apektadong komunidad ng mga kinakailangang tulong.
