SUMAMPA sa mahigit 1 trillion pesos ang reserve fund ng Social Security System (SSS), ayon sa Department of Finance (DOF).
Inihayag ng ahensya na ito ang unang pagkakataon na lumagpas ang reserbang pondo ng State Pension sa isang trilyong piso.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Bukod dito, lumobo rin ang net income ng SSS ng 58.4% o nasa 142.97 billion pesos noong 2025 habang umakyat ang total assets sa 1.26 trillion pesos na mas mataas ng 22.1% mula sa naitala noong 2024.
Sinabi ng Social Pension Fund na nag-release ito ng 304.94 billion pesos na pensions at benefits sa 5.66 million Filipinos noong 2025 at naglabas din ng 61.11 billion pesos na halaga ng loans.
