TUMAAS ang inaprubahang investment commitments ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa unang apat na buwan ng 2025.
Sinabi ng PEZA na umabot sa 63.523 billion pesos ang total approved investments simula Enero hanggang Abril.
ALSO READ:
Airline companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong flight updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Mas mataas ito ng 112.06 percent mula sa 29.995 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Idinagdag ng PEZA na ang 63.5 billion pesos na halaga ng investments ay kinabibilangan ng walumpu’t anim na mga bago at expansion projects na inaasahang makalilikha ng mahigit dalawampung libong trabaho.