4 July 2025
Calbayog City
National

60 billion pesos na sobrang pondo ng PhilHealth, napunta sa mga frontliner, ospital, at mga gamot, ayon sa finance chief

GINAMIT sa health-related projects ang 60 billion pesos na excess funds na ibinalik ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa National Treasury, ayon kay Finance Secretary Ralph Recto.

Sa pagpapatuloy ng oral arguments sa PhilHealth funds, sinabi ni Recto na ni-redirect ang 60 billion pesos para bayaran ang allowances ng COVID-19 frontliners na nasa 27.45 billion pesos.

10 billion pesos aniya ang napunta sa Social Programs for Health para mabigyan ng medical assistance ang mahihirap na Pinoy.

3.37 billion pesos ang ginamit sa pagtatayo ng tatlong pasilidad ng Department of Health habang 4.1 billion pesos ang inilaan para patatagin ang umiiral na DOH facilities.

1.6 billion pesos ang napunta sa health facilities enhancement program habang ang 13 billion pesos para pondohan ang government counterpart financing para sa foreign-assisted infrastructure at social determinants para sa health projects.

Samantala, binigyang diin ni Recto na ang 89.9 billion pesos na ipinag-utos sa PhilHealth na ibalik sa National Treasury ay subsidiya mula sa gobyerno at hindi mula sa kontribusyon ng mga miyembro.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).