ANIM na accredited organizations sa lalawigan ng Samar ang tumanggap ng 300,000 pesos na grant sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kahapon ay pinangunahan nina Governor Sharee Ann Tan at Cong. Jimboy Tan, kasama si Calbayog City Mayor Monmon Uy at City Councilors, ang turnover ceremony ng SLP Grant, na ginanap sa Calbayog City.
ALSO READ:
Tri-City Specialty Justice Zone, ilulunsad ng JSCC sa Eastern Visayas para labanan ang Online Sexual Abuse and Exploitation sa mga bata
Cebu-Calbayog Flights, binuksan ng PAL
NHA Eastern Visayas, nagtakda ng Condonation para sa mga delingkwenteng benepsiyaryo ng pabahay
DepEd, nanawagan ng mas mahigpit na seguridad matapos ang pamamaril sa 1 guro sa Leyte
Kabilang sa unang batch ng SLP Accredited Youth Organization na tumanggap ng grant ay ang Rayhak Kabataan, Malopalo Youth, Sigo Youth Organization, Begaho Youth Eco, CUYA, at NMYO.
Nabatid na dalawampu’t pito pang youth organizations at youth MSMEs ang sumasailalim sa balidasyon at nagku-kumpleto pa ng mga dokumento.
