MAGKAKAROON ng power interruption sa mga lugar na siniserbisyuhan ng SAMELCO I sa Feb. 11, araw ng Linggo.
Ayon sa abiso ng SAMELCO I, mawawalan ng supply ng kuryente simula alas dose ng tanghali hanggang ala sais ng gabi.
Magsasagawa kasi ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng line impedance sa kahabaan ng 138 kilovolt Paranas-Calbayog.
Kabilang sa mga maapektuhan ang lahat ng barangay sa Calbayog City, Sta. Margarita, Gandara, San Jorge, Matuguinao, Tarangnan, at Pagsanghan.