BINIGYAN ng parangal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang anim na units sa ilalim ng 8th Infantry Division ng Philippine Army dahil sa pagbuwag sa New People’s Army (NPA) sa Eastern Visayas.
Ginawaran ng AFP Campaign Streamer Awards ang dalawang Brigades, tatlong Battalions at isang dating Operational Control (OPCON) unit ng 8th Infantry Division.
ALSO READ:
Eastern Samar niyanig ng Magnitude 4.3 na lindol
Calbayog City LGU, nag-turnover ng panibagong School Vehicle sa ilalim ng Sakay Na Program
Mahigit 236 million pesos na halaga ng Relief, inihanda ng DSWD Region 8 para sa mga biktima ng kalamidad
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
Tinanggap nina Visayas Command Commander, Lt. Gen. Fernando Reyeg at Deputy Commander, Commodore Oscar Canlas Jr., at 8th ID Commander, Major Gen. Adonis Ariel Orio, ang awards sa Camp Lapu-Lapu sa Cebu City.
Ang mga binigyan ng awards ay ang 42nd Infantry Brigade, 802nd Infantry Brigade, 63rd Infantry Battalion, 78th Infantry Battalion, at 93rd Infantry Battalion.