ISINUMITE na ng Department of Budget and Management ang 6.352-trillion peso National Expenditure Program (NEP) sa kongreso para sa taong 2025.
Mas mataas ito ng 10.1 percent kumpara sa 2024 national budget, at katumbas ng 22 percent ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Mula sa 6.352 trillion pesos, 977.6 billion ang inilaan sa education sector at 900 billion para sa public works.
297.6 billion pesos naman ang inilaan sa health programs na mas mababa kumpara sa budget ngayong taon na 308.3 billion.
278.4 billion pesos ang para sa Department of the Interior and Local Government habang 256.1 billion sa Department of National Defense na mas mataas ng 15.5 billion kumpara sa kasalukuyang budget na 240.6 billion.
Naglaan naman 230.1 billion pesos para sa Department of Social Welfare and Development, mas mababa sa 248.1 billion budget ngayong 2024 habang bumaba rin sa 211.3 billion ang inilaan sa Agriculture Department mula sa 221.7 billion ngayong taon.
Samantala, tumaas naman sa 180.9 billion pesos ang budget na inilaan sa Transportation Sector mula sa kasalukuyang 73.9 billion habang ang judiciary ay pinaglaanan ng 63.6 billion at 40.6 billion naman para sa Department of Justice.