UMABOT na sa tatlumpu’t anim ang napaulat na nasawi bunsod ng pinagsama-samang epekto ng habagat at mga nagdaang Bagyong Carina at Butchoy.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), labing apat sa mga nasawi ay validated na habang dalawampu’t dalawa ang bini-beripika pa.
Karamihan sa mga namatay ay mula sa Metro Manila na nasa labinlima, sumunod ang Calabarzon na may sampung fatalities.
Apat naman ang naitalang nasawi sa Zamboanga Peninsula; tig-dalawa sa Bangsamoro Region at Central Luzon; habang tig-i-isa sa Ilocos Region, Northern Mindanao, at Davao Region.
Sa tala ng NDRRMC, tatlo ang nananatiling nawawala habang anim ang nasugatan.
Samantala, lumobo na sa apat punto limang milyong katao ang naapektuhan ng masamang panahon, kabilang ang 152,800 na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers.