MAY bagong librong isusulat at ilalathala si Vice President Sara Duterte.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ng Bise Presidente na matapos ang librong may pamagat na ‘Isang Kaibigan’, sunod niyang isusulat ang libro tungkol sa “Pagtataksil ng Isang Kaibigan”.
ALSO READ:
3 sa 7 sasakyan ng mga Discaya, naisubasta na
Pang. Marcos, nagbiro tungkol sa cabinet shake-up
Ombudsman, magsasampa ng kaso laban kay Dating Speaker Romualdez kaugnay ng flood control sa loob ng 6 hanggang 9 na buwan
Dating Bamban Mayor Alice Guo, sinentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong bunsod ng Qualified Trafficking
Sa naturang pahayag, itinanggi din ni VP Sara na kinopya ang librong ‘Isang Kaibigan’.
Aniya, layunin ng paglathala ng nasabing libro na mahikayat ang mga bata na mahalin ang pagbabasa at sumulat ng sarili nilang kwento.
Hindi rin aniya ang libro ang problema ng bayan kundi ang kahinaan sa pagbabasa ng mga kabataan.
