13 February 2025
Calbayog City
National

2 kasama sa pagtakas ni dismissed Mayor Alice Guo, balik bansa matapos maaresto sa Indonesia

BALIK bansa ang dalawang kasama sa pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos maaresto sa Indonesia kahapon ng umaga.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), dakong ala singko ng hapon, kahapon, nang lumapag sa NAIA Terminal 1 ang eroplanong sinakyan ng kapatid ni Guo na si Sheila, at Cassandra Li Ong, ang authorized representative ng POGO na ni-raid sa Porac, Pampanga.

Ang dalawa ay ineskortan ng mga operatiba ng Intelligence Division ng BI at Fugitive Search Unit (FSU).

Inihayag ni BI Commissioner Norman Tansingco na ikinunsidera sina Sheila Guo at Ong na aliens ng Indonesian Immigration dahil wanted sila sa Pilipinas.

Aniya, lumitaw sa intelligence information na ang grupo ni Guo ay tinulungan ng isang Singaporean na lalaki na nag-book ng kanilang pananatili sa Indonesia.

Paalis na umano sa Batam ang dalawa nang maharang sila ng mga awtoridad.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.