PORMAL nang naghain ng kaso ang aktres na si Kim Chiu laban sa kanyang kapatid na si Lakambini Chiu.
Sa Instagram, ibinahagi ng Talent Agency ni Kim na Star Magic, ang mga litrato ng aktres habang nagsasampa ng kaso sa Justice Cecilia Muñoz Palma Hall sa Department of Justice Building sa Quezon City.
ALSO READ:
Kasama ng Asia’s Multimedia Idol ang kanyang mga abogado mula sa LeapLaw.
Kinasuhan ni Kim ang kanyang kapatid na si Lakambini ng Qualified Theft matapos madiskubre ang “Serious Financial Discrepancies” sa kanilang Business Venture.
Sa official statement, sinabi ng aktres na gumawa na siya ng legal na hakbang matapos mawalan ng malaking halaga sa kanyang negosyo.




