ISASAILALIM sa kontrol ng COMELEC ang bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao Del Norte kasunod ng pamamaslang sa isang election officer.
Ginawa ni COMELEC Chairman George Garcia ang pahayag matapos ibasura ng En Banc ang rekomendasyon na isailalim ang buong lalawigan sa kontrol ng poll body, sa gitna ng naiulat na karahasan sa lugar.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sinabi ni Garcia na dahil hindi nailagay ang buong Maguindanao Del Norte sa kanilang kontrol, tututukan nila ang Datu Odin Sinsuat.
Idinagdag ng poll chief na isinasapinal na ng COMELEC En Banc ang mga panuntunan na tutukoy sa mga implikasyon kung ang isang lugar ay nakasailalim sa kontrol ng COMELEC.
Agad na magiging epektibo aniya ang kautusan, pagkatapos ilabas ang resolusyon.
March 26 nang masawi si Datu Odin Sinsuat Election Officer, Atty. Maceda Abo at kanyang mister matapos pagbabarilin ng mga salarin ang kanilang sasakyan habang binabagtas ang Shariff Aguak Road sa Barangay Makir.