SINAMPAHAN ni Dating Senador Antonio Trillanes IV ng kasong Pandarambong at Katiwalian sa Office of the Ombudsman sina Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go.
Sinabi ni Trillanes na ang ama ni Go, na may-ari ng CLTG Builders, pati na ang Alfrego Builders na pag-aari naman ng kapatid ng senador, ay nakapag-secure ng bilyon-bilyong halaga ng kontrata sa pamahalaan.
Aniya, nangyari ito sa ilalim ng Duterte Administration, kung kailan nagsilbi si Go bilang Special Assistant to the President, at hanggang sa naging senador simula 2019 hanggang 2022.
Pumasok aniya ang CLTG Builders sa Joint Venture kasama ang St. Gerrard Construction na pag-aari ng pamilya Discaya, para makuha ang 816 million pesos na halaga ng Government Contracts.
Napasakamay din ng CLTG at Alfrego Builders ang nasa 6.95billion pesos na Infrastructure Projects ng pamahalaan simula 2016 hanggang sa kasalukuyan.