LUMOBO ng halos apat na beses ang bilang ng mga motorsiklo sa Metro Manila sa nakalipas na sampung taon bilang resulta ng lumalakas na E-Commerce demand at ang pagpasok ng Two-Wheeled Services.
Sa datos mula sa Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD), umakyat sa 1.67 million ang daily volume ng motorcycles sa Metro Manila noong 2023, mula sa 433,340 noong 2013, na pinakamalaking increase sa lahat ng uri ng sasakyan.
GSIS, may alok na Emergency Loan para sa mga miyembrong apektado ng lindol sa Davao Oriental
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong Petrolyo, ipinatupad ngayong Martes
MSME Lending Program, inilunsad ng Landbank
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
Sinabi ng CPBRD na lumobo ang motorcycle traffic sa National Capital Region bunsod ng lumalawak na popularidad ng E-Commerce deliveries at tumataas na demand para sa Two-Wheeled Transport.
Ang Motorcycle Taxi Service pioneer na Angkas ay nagsimulang mag-operate ng kanilang negosyo noong 2016 at sinundan ito ng iba pang providers, gaya ng Joyride PH at Move It.