NABABAHALA ang Environmental Groups hinggil sa heat levels na maaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga atletang sasabak sa Paris Olympics.
Kasabay nito ang babala na posibleng malagay sa alanganin ang mga susunod na edisyon ng olimpiyada bunsod ng patuloy na pagtaas ng temperatura sa buong mundo.
Inaasahang tataas muli ang temperatura sa European Summer, matapos maitala ang record-high noong 2023.
Una na ring inihayag ng French National Weather Agency na mas mainit sa normal condition ang mararanasan sa summer games.
Sinabi naman ng International Olympic Commitee (IOC) na kabilang sa kanilang countermeasures, ay ang pagre-review sa competition schedule upang maiwasan ang napakainit na panahon, para matiyak ang kaligtasan at kalusugan, hindi lamang ng mga atleta, kundi maging ng mga manonood.