KABUUANG limandaan at tatlumpung centernariang sa Eastern Visayas ang tumanggap ng tig-isandaanlibong pisong insentibo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) simula 2016 hanggang 2024.
Ayon sa DSWD Regional Office sa Tacloban City, 199 beneficiaries ay mula sa Leyte, tatlumpu’t apat mula sa Biliran, animnapu’t tatlo mula sa Southern Leyte, siyamnapu’t dalawa mula sa Eastern Samar, animnapu’t tatlo sa Northern Samar, at pitumpu’t siyam mula sa Samar.
ALSO READ:
Mahigit 900 katao, nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa Region 8 sa unang 2 buwan ng taon
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Pamamaril sa DPWH engineer ng aktibong sundalo sa Northern Samar, kinundena ng Philippine Army
Provincial Government ng Samar, kinilala ang lakas, pamumuno, at kontribusyon ng kababaihan ngayong Women’s Month
Alinsunod sa Republic Act No. 10868 o The Centanarians Act of 2016, lahat ng Pilipino na isandaang taong gulang, sa Pilipinas o sa ibang bansa man naninirahan, ay pagkakalooban ng “Centenarian Gift” na 100,000 pesos.
