NAGSALITA na si John Estrada para itanggi ang tsismis na nag-uugnay sa kanya sa aktres na si Barbie Imperial.
Sa kanyang personal Instagram account, sinabi ng aktor na wala siyang ideya kung saan nagsimula ang tsismis, kasabay ng paninindigan na wala siyang relasyon kay Barbie.
ALSO READ:
Lea Salonga, inaming hiwalay na sila ng mister na si Robert Chien
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Una nang ibinahagi ng iba’t ibang social media accounts ang misinformation, na dahil daw kay John kaya wala na sa teleserye na “Batang Quiapo” ang aktres.
Tinawag ito ng aktor na fake news, kasabay ng pagbibigay diin na hindi niya kilala sa personal na lebel si Barbie, at hindi niya ito kailanman nakausap kahit kapwa sila bahagi sa isang show.
