POSIBLENG sumabak ang Gilas Pilipinas nang wala si Kai Sotto sa third window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.
Ito’y makaraang magtamo ang 7-foot-3 pinoy cager ng tila injury sa kaliwang tuhod sa laro ng Koshigoya laban sa Mikawa sa Japan B. League noong Linggo.
ALSO READ:
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, nagbabala laban sa disinformation, fake news
Lebron James, Stephen Curry, at Kevin Durant, muling nagsama-sama sa NBA All-Star lineup
World class multi-sports hub itatayo sa New Clark City
Lebron James, napiling maglaro para sa kanyang 22nd consecutive NBA All-Star game
Gayunman, sinabi ni Gilas Head Coach Tim Cone na walang babaguhin sa pool of players, kabilang na ang veteran na si Japeth Aguilar, para sa anumang posibilidad na hindi makapaglaro si Sotto sa susunod na window.
Idinagdag ni Cone na ito ang dahilan kaya nasa roster si Aguilar, at magiging kapalit ng sinumang matatangkad na mayroon sila sa pambansang koponan.
