INAASAHANG maibabalik sa normal ang pagbiyahe ng essential products sa Biliran Island sa pamamagitan ng barge operation service, sa kabila ng limitadong kapasidad ng tulay na nag-uugnay sa lalawigan Patungong Leyte.
Sinabi ni Governor Gerard Roger Espina, na nagsimula ang barge operation noong Jan. 4, kung saan sagot ng provincial government ang gastos sa buwanang renta sa barge na gagamitin sa pagdadala ng mabibigat na sasakyan mula sa Leyte Island patungong Biliran.
Northern Samar, nagbigay ng short-term jobs sa mahigit 200 miyembro ng vulnerable sector
DPWH, bibilisan ang pag-repair sa Maharlika Highway sa Samar
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Ipinaliwanag ni Espina na ang monthly barge rental expenses ay huhugutin sa calamity fund habang ang fuel charges ay kukunin sa daily operations sa pamamagitan ng transport fees para sa long-term sustainability.
Isinailalim ang Biliran sa state of calamity noong Dec. 28, 2024 matapos mapilitang limitahan ang pagtawid sa Biliran Bridge bunsod ng pag-uga nito.
