BINAHA ang ilang bahagi ng Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan dahil sa pagtaas ng water level sa Cagayan River.
Ito ay kasunod ng pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam dahil sa naranasang pag-ulan nitong nagdaang mga araw.
P1.5B na halaga ng tulong inihanda na ng DSWD – Bicol, sa gitna ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon
Mahigit 120 million pesos na halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasamsam sa Pampanga
Senior citizen na lalaki, patay matapos tamaan ng ligaw na bala sa Pampanga
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Sa mga larawang ibinahagi ni Tuguegarao City Mayor Maila Ting Que, maraming lugar sa lungsod ang nakaranas ng pagbaha.
Kabilang sa binaha ang Balzain East Elementary School, Linao West Bridge, bahagi ng Caritan Norte.
Ayon kay Que, alas 7:00 ng umaga ng Martes (Nov. 19) ay nasa 11.5 meters na o nasa critical level na ang water level sa Buntun Bridge sa Cagayan.
Nananatiling suspendido ang face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Grade 12 sa lahat ng public schools sa lungsod. Ipinaubaya naman sa school heads ang pagsuspinde ng klase para sa mga pribadong paaralan at tertiary level.
