NASA limampu’t dalawang Infrastructure Flagship Projects (IFPs) ng pamahalaan ang itinakdang makumpleto pagsapit ng 2028, ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDEV).
Inihayag ni DEPDEV Assistant Secretary Roderick Planta na tatapusin ang 52 mula sa 207 total Flagship Infrastructure Projects and Programs sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Planta na dalawampu’t tatlo sa mga proyekto ay nakasunod sa Schedule habang dalawampu’t siyam ang naantala ng hindi lalagpas sa dalawang buwan.
Kabilang sa Delayed Projects ay mula sa Departments of Agriculture, Information and Communications Technology, Transportation, at Public Works and Highways.




