2 July 2025
Calbayog City
Overseas

5 turista, patay sa pamamaril sa India

HINDI bababa sa lima ang patay sa walang habas na pamamaril sa grupo ng mga turista na bumibisita sa sikat na beauty spot sa India.

Nangyari ang pag-atake sa Pahalgam, isang bayan sa Himalayas na karaniwang inilalarawan bilang “Switzerland of India.”

Bukod sa mga nasawi ay marami rin ang nasugatan sa naturang pag-atake.

Wala pang grupo na umaako sa krimen.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).