MATAPOS ang pagtama ng 6.9 magnitude na lindol sa Cebu, may namataang limang sinkhole sa munisipalidad ng Tabogon.
Ayon sa pahayag ng Tabogon LGU, may nadiskubreng sinkhole formation sa Sitio Manaybanay sa Brgy. Maslog.
ALSO READ:
Sa Assessment ng Tabogon MDRRMO idineklara na itong “Unsafe for Entry” bagaman ang lokasyon nito ay malayo naman sa residential areas.
Samantala, apat na visible sinkholes din ang nakita sa baybayin ng Brgy. Maslog na ayon sa MDRRMO ay visible high tide man o low tide.
Pinapayuhan ang mga residente at mga bisita sa lugar na iwasan muna ang paliligo o paglapit sa lugar hangga’t nagpapatuloy pa ang assessment at monitoring.
Maglalagay din ng harang ang Philippine Coast Guard para magsilbing abiso sa publiko.