TINANGGAL sa serbisyo ang limang traffic enforcers ng Land Transportation Office (LTO) na sangkot sa nag-viral na insidente sa Panglao, Bohol.
Sa Press Conference, kahapon, inanunsyo ni Transportation Secretary Vince Dizon na epektibo ngayong Lunes ay sibak na sa serbisyo ang naturang law enforcers.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Ipinaalala ni Dizon na silang mga nasa gobyerno ay dapat magsilbi sa mga tao, at hindi dapat umakto na tila panginoon.
Batay sa viral video, isang lalaking sakay ng motorsiklo ang “inaresto” ng LTO employees sa isang operasyon noong Biyernes.
Hinarang at pinuwersa ng LTO personnel ang rider para pababain ng motorsiklo, habang sumisigaw ang lalaki na isa itong magsasaka kaya mayroon siyang dalang bolo.