WALANG personalan ang kautusan ng malakanyang sa lahat ng appointed officials ng Presidential Communications Office (PCO) na magsumite ng unqualified courtesy resignations.
Ayon sa bagong talagang PCO secretary na si Jay Ruiz, bahagi lamang ito ng karaniwang proseso ng transition ng ahensya sa bagong liderato.
Idinagdag ni Ruiz na dapat lang din na mapagkakatiwalaan ang kanilang makakasama sa trabaho.
Ipinaliwanag din ng bagong kalihim na ang naturang kautusan ay makatutulong upang mapigilan ang leakages ng official documents at mga intriga sa loob ng ahensya.
Noong Feb. 25 ay binigyan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ng hanggang Feb. 28 ang PCO Officials para maghain ng kanilang courtesy resignations upang mabigyan si Ruiz ng kalayaan na magawa ang kanyang mga tungkulin at trabaho.