22 April 2025
Calbayog City
National

DOH, pinag-iingat ang publiko sa mga heat-related illness, pamahalaan, tiniyak ang kahandaan sa pagtaas ng heat indices sa bansa

NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa iba’t ibang health related illnesses kasunod ng inaasahang pagtaas ng heat index ngayong araw ng lunes, Mar. 3.

Sa datos na inilabas ng PAGASA, inaasahang tataas hanggang 46 degrees celsius ang heat index sa Metro Manila ngayong araw.

Pinaalalahanan ng DOH ang lahat na maging maingat lalo sa mga posibleng sakit na maaaring maranasan dahil sa sobrang init.

Kabilang sa maaaring maranasan ang mga sumusunod:

– Heat cramps
– Heat exhaustion
– Heat stroke

Narito ang maaaring gawin para maiwasan ng anumang sakit dulot ng matinding init ng panahon:

– Uminom ng sapat na dami ng tubig
– Iwasan ang pag-inom ng iced tea, soda, kape, o mga inumin na may alcohol
– Magsuot ng maluwag at magaan na damit
– Limitahan ng outdoor na gawain mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon
– Gumamit ng proteksyon laban sa sunburn gaya ng sombrero, payong at sunblock

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.