27 April 2025
Calbayog City
National

TV show contestant, inimbitahan ng comelec matapos mag-viral dahil sa kawalan ng kaalaman sa poll body

INIMBITAHAN ni COMELEC Chairman George Garcia ang contestant mula sa isang noontime show, na magtungo sa kanilang opisina.

Ito’y matapos mag-viral ang bente anyos na dalaga dahil sa kawalan ng kaalaman tungkol sa poll body.

Sinabi ni Garcia na bibisita ang contestant na si Heart Aquino mula sa Pampanga, sa COMELEC headquarters mamayang hapon, sa comelec headquarters sa Maynila.

Sa beauty contest segment ng “It’s Showtime” noong Feb. 28, tinanong si Aquino kung ano ang mensahe nito sa COMELEC, subalit inamin nito na limitado lamang ang kanyang alam sa election body kahit nasa edad na siya para bumoto.

Nagkomento naman ang host na si Vice Ganda, sa pagsasabing nakababahala na malamang hindi pamilyar si Aquino  sa COMELEC.  

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).