IBINIBA ng Phivolcs sa Alert Level 0 ang alert status sa Bulusan Volcano.
Ayon sa Phivolcs, mula sa Alert Level 1 o Low-Level of Unrest ibinaba na sa Alert Level 0 (Normal) ang status ng bulkan dahil sa pagbaba ng aktibidad na naitatala dito.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Sa datos ng Phivolcs, ang mga naitatalang Volcanic earthquakes recorded sa Bulusan Volcano Network (BVN) ay bumaba na sa baseline levels o nasa 0 to 5 earthquakes oper day simula noong ikatlong linggo ng buwan ng Agosto ngayong taon.
Mababa na din ang naitatalang Sulfur dioxide emission mula sa bulkan na nag-average na lamang ng 76 tonnes per day mula noong Oct. 25, 2023.
Sakaling muling magkaroon ng aktibong aktibidad sa bulkan, sinabi ng Phivolcs na itataas muli ang Alert Level 1.
