15 March 2025
Calbayog City
Local

Ilang opisyal, nag-courtesy call kay Calbayog City Mayor Monmon Uy

BUMISITA ang ilang mga opisyal sa tanggapan ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy.

Kabilang sa nag-courtesy call sa alkalde si Police Colonel Jose Manuel Payos, Regional Chief ng Regional Maritime Unit 8.

Sa naturang pagbisita noong Lunes, nagkaroon ng oportunidad sina Mayor Mon at Payos na pag-usapan ang pagtutulungan sa pagitan ng Regional Maritime Unit at pamahalaang Lungsod ng Calbayog.

Nag-courtesy call din kay Mayor Mon ang mga opisyal ng Bureau of Fire Calbayog bilang bahagi ng kanilang New Year’s Office Visit.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).