28 April 2025
Calbayog City
National

NFA rice, planong ibenta ng D-A sa mga LGU para lumuwag ang kanilang mga warehouse

INANUNSYO ng Department of Agriculture ang posibilidad na ibenta ang mga bigas ng National Food Authority (NFA) sa tulong ng Local Government Units sa Metro Manila.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, ito ay upang maging mas accessible ang murang bigas at magkaroon ng espasyo ang mga warehouse para sa mga bagong stock.

Sinabi ni De Mesa na maaring ibenta ang NFA rice stocks bago ito umabot sa “aging” category sa ilalim ng Revised Rice Tariffication Law.

Ipinaliwanag ng D-A official na nagsisimula ang “aging” sa pangatlong buwan, kaya ang mga nasa dalawang buwan na bigas ay maari nang i-dispose ng NFA.

Idinagdag ni De Mesa na magkakaroon sila ng meeting, kasama ang Metro Manila Council ngayong linggo para isapinal ang plano.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).