7 February 2025
Calbayog City
Local

Samar Police Provincial Office, pinaigting ang Peace and Order Campaign sa pamamagitan ng Balik-Armas Program

PINAIGTING ng Provincial Government ng Samar ang kanilang Peace and Order Campaign sa pamamagitan ng pagsuporta sa Balik-Armas Program ng Samar Police Provincial Office.

Nagbigay si Governor Sharee Ann Tan ng cash assistance na 10,000 pesos sa mga sibilyan na nagsuko ng kanilang mga hindi linsensyadong baril noong Lunes, sa Tandaya Hall, Provincial Capitol Compound, sa Catbalogan City.

Binati ni Tan ang Samar Police Provincial Office sa kanilang accomplishments, kasabay ng pasasalamat sa mga sibilyan na positibong tumugon sa programa.

Samantala, inihayag naman ni SPPO Provincial Director, Police colonel Antonietto Eric Mendoza, na siyang nanguna sa Balik-Armas Program, na mula sa 43 firearms na isinurender, dalawampu’t dalawa ang ikinunsiderang serviceable.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).