ITINANGHAL si Kevin Durant bilang ika-walong player sa kasaysayan ng NBA na umiskor ng 29,000 career points, makaraang padapain ng Phoenix Suns ang Dallas Mavericks, sa score na 114-102.
Ang 14-Time All-Star ay umiskor ng 31 points laban sa Mavs ay ngayon ay mayroon nang 29,010 points sa labimpitong seasons, sa ilalim ng Seattle, Oklahoma City, Golden State, Brooklyn, at Suns.
ALSO READ:
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pilipinas, nakasungkit ng 4 na gold medals sa SEA Games Practical Shooting
Ang trenta’y sais anyos na cager ay mayroong average na 27.3 points sa 1,064 games.
Samantala, si Lebron James ang career scoring leader sa NBA na mayroong 40,543 points.
Sumunod sina Kareem Abdul-Jabbar, Karl Malone, Kobe Bryant, Michael Jordan, Dirk Nowitzki, Wilt Chamberlain, at Durant.
