NAGPAKITA ng bangis ang Barangay Ginebra sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa PBA Season 49 Philippine Cup.
Ito’y matapos gibain ng Ginebra ang Terrafirma sa score na 101-80, sa kanilang paghaharap sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Pinangunahan ang Gin Kings ni Japeth Aguilar na nakapagtala ng 30 points, 7 rebounds, 4 blocks, at 2 assists.
Nag-ambag naman si RJ Abarrientos ng 14 points at 7 assists habang gumawa si Scottie Thompson ng 11 points, 13 rebounds at 7 assists.
Pinaghahandaan na ang Ginebra ang nakatakdang pagtutuos laban sa San Miguel, ngayong Biyernes.
