Kailangang lumago ng 40 percent ang exports ngayong taon.
Ito, ayon kay Bianca Pearl Skymite, Director ng Department of Trade and Industry-Export Marketing Bureau, ay para mahabol ang 143.4-billion dollar target na itinakda ng Philippine Export Development Plan (PEDP) 2023-2028.
Sinabi ni Skymite na malaki ang kailangang habulin ngayong taon dahil hindi naabot ang target para sa 2023.
Gayunman, idinagdag ng opisyal na sampung porsyento lamang ang tinatayang ilalago ng export ng bansa ngayong 2024.