NASA 43.9 percent o apat mula sa sampung sambahayan o households sa Eastern Visayas ang nakaranas ng Moderate to Severe Food Insecurity, ikalawa sa pinakamataas mula sa labimpitong rehiyon sa bansa, batay sa report ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).
Sa resulta ng 2023 National Nutrition Survey (NNS), sinabi ng DOST-FNRI na ang datos ng Region 8 ay mas mataas kumpara sa 31.4 percent sa National Level.
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Ayon kay Ma. Lynell Maniego, DOST-FNRI Senior Science Research Specialist, sumunod ang Eastern Visayas sa BANGSAMORO Autonomous Region in Muslim Mindanao na may 48.2 percent Food Insecurity Prevalence.
Inihayag naman ni Rod Paulo Lorenzo, DOST-FNRI Science Research Specialist na ang Average Daily Food Intake sa Eastern Visayas ay pangunahing binubuo ng kanin, isda, at gulay, na Pattern Consistent sa National Level.
Idinagdag ni National Nutrition Council Eastern Visayas Regional Program Director Catalino Dotollo na ang resulta ng survey ay nagpapakita ng panawagan para isulong pa ang pagdaragdag ng produksyon ng mga masustansyang pagkain.
