APAT pang hostages na kinidnap noong Oct. 7 ng nakaraang taon ang idineklarang nasawi ng Israeli Military, kabilang ang tatlong matatandang lalaki na ipinakita ng grupong hamas sa video habang nagmamakaawa na pakawalan na sila.
Ang anunsyong ito ay lalong nagpataas sa pressure sa Israeli Government na pumayag na sa Ceasefire Proposal ng Amerika na mabibigay umano ng seguridad sa ligtas na pagbabalik ng mga bihag sa Gaza at tutuldok sa walong buwan nang digmaan.
ALSO READ:
US, nangakong tutulong sa seguridad ng Ukraine sa ikakasang Peace Deal kasama ang Russia
Mahigit 40 katao, nawawala sa paglubog ng bangka sa Nigeria
67 katao, inaresto bunsod ng illegal alcohol production matapos masawi ang 23 katao sa Kuwait
Mahigit 340 katao, patay sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa Pakistan
Nasa walumpung hostages sa Gaza ang pinaniniwalaang buhay pa habang apatnapu’t tatlo na ang nasawi.