Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-bid out ang apat mula sa anim na segments ng Bataan-Cavite Interlink Bridge Project ngayong taon.
Inihayag ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na ang bidding para sa kontrata ng dalawang land-based segments ng proyekto ay isasagawa sa unang anim na buwan ng 2024.
Sa ngayon aniya ay nag-iimbita na sila ng international contractors na mayroong experience sa mga ganitong project.
Idinagdag ni Bonoan na plano naman nilang i-bidout sa second half ng taon ang dalawa pang segments ng proyekto, kabilang ang pinakamahabang bahagi ng cable-stayed bridge.
Una nang ibinida ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa sandaling makumpleto, ang 32-kilometer Bataan-Cavite bridge na itatayo sa Manila bay ang magiging ikalawa sa pinakamahabang tulay sa buong mundo.