APAT na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi habang dalawang iba pa ang sumuko sa serye ng sagupaan laban sa tropa ng pamahalaan sa Catubig, Northern Samar.
Kabilang ang mga ito sa tinatayang tatlumpung NPA members mula sa Regional Guerilla Unit at Sub-Regional Committee Arctic sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee na nakasagupa ng mga sundalo.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Ayon sa 8th Infantry Division, sumiklab ang mga engkwentro kasunod ng sumbong ng mga residente tungkol sa presensya ng armadong kalalakihan na umano’y nangingikil sa lugar.
Tatlong armas ang narekober din ng mga awtoridad sa serye ng bakbakan sa Barangay Nagoocan, sa bayan ng Catubig.
