5 July 2024
Calbayog City
Business

4 mula sa 10 Pinoy gumagamit ng E-Money

KUMPIYANSA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maaabot nito ang 50 percent digitalization target para sa retail payments sa pagtatapos ng 2023.

Ayon sa Central Bank, noong 2022 ay 42.1 percent ng retail payments ang kinonvert sa digital form.

Sinabi ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan na patuloy na dumadami ang E-Money users kung saan apat mula sa sampung Pilipino ang gumagamit ng E-Money Accounts.

Upang mapanatili ang upward trajectory, nakikipag-usap ang BSP sa mga bangko at digital transactions platforms upang mapababa o ma-waive ang transaction fees para sa maliliit na transactions na isanlibong piso pababa.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *