12 March 2025
Calbayog City
Business

Farmgate price ng palay, bumagsak ng 17% noong Enero

BUMABA ng 17% ang farmgate price ng palay noong Enero sa average na 20 pesos and 69 centavos per kilo kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa rin ito ng 0.05% sa average na 20 pesos and 70 centavos kumpara noong december 2024.

Sinabi ng psa na lahat ng rehiyon maliban sa Eastern Visayas ay nakapagtala ng pagbagsak ng presyo sa loob ng labindalawang buwan hanggang january 2025.

Ang pinakamahal na farmgate price ng palay ay sa Eastern Visayas na umabot sa 24 pesos and 79 centavos per kilo habang ang pinakamura ay sa Calabarzon na nasa 17 pesos and 41 centavos.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).