15 March 2025
Calbayog City
Province

Illegal firing range, sinalakay sa Bulacan; gun seller, nasakote sa hiwalay na operasyon

SINALAKAY ng mga awtoridad ang isang illegal indoor  firing  range sa loob ng isang bahay, kasunod  ng reklamo ng mga kapitbahay sa Bulacan.

Ayon kay Police Lt. Col. Milgrace  Driz ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group, mayroong mga residente na nakapalibot sa ni-raid  na bahay na nakakarinig ng mga putok ng baril.

Nabatid  na dating security officer ng isang  chinese ang may-ari ng illegal firing range, at mayroon itong mga kaso sa Laguna at sa iba pang mga lugar.

Kabilang sa nasamsam ng mga awtoridad ang isang short firearm at ilang rounds ng mga bala.

Samantala, sa isa pang operasyon sa bulacan, nasakote ang isang indibidwal dahil sa iligal na pagbebenta ng armas sa online.

Dinakip ang suspek matapos nitong bentahan ng micro submachine gun at .38 revolver ang isang babaeng pulis na nagpanggap na customer.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).