BAHALA na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na gamitin ang awtoridad nito sa posibleng requests na i-freeze ang assets ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, na ang AMLC ang magpapasya kung ipag-uutos ng International Criminal Court (ICC) ang assets ng Dating Pangulo.
Aniya, hindi importante kung kanino galing ang request dahil dapat maibigay ng gobyerno ng Pilipinas ang hustisya na nararapat.
Binigyang diin ni Castro na kung kinakailangang magbigay ng reparation o magbayad ng danyos sa mga biktima ay kailangan aniyang maigawad ang hustisya.
Si Duterte ay inakusahan ng Crimes Against Humanity bunsod ng patayang naganap sa Pilipinas sa pagitan ng Nov. 1, 2011 hanggang March 16, 2019 dahil sa madugong war on drugs noong mayor pa lamang ito ng Davao City at kalaunan ay naging Pangulo ng bansa.