BUMISITA si Vice President Sara Duterte sa mga simbahan sa Calbayog City, sa Samar, noong Sabado.
Ayon sa Urosa Calbayog Tatay Digong Movement (UCTDM), nagtungo si VP Sara sa Most Holy Trinity Parish Church pagdating nito sa lungsod, sakay ng eroplano.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Inihayag ni Francis Ralf Aquino Merencillo ng UCTDM na nagulat sila sa pagbisita ng Bise Presidente, at nalaman lamang nila ito sa pamamagitan ng social media.
Nakipagkita rin aniya ang iba pa nilang miyembro kay VP Sara na nagtungo rin sa Saint Peter and Paul Cathedral.
Binisita rin ng Vice President ang iba pang mga simbahan sa labas ng Calbayog City.
