NANINIWALA ang malakanyang na mas mainam na rin ang pagkalas ni Senator Imee Marcos mula sa alyansa para sa Bagong Pilipinas, kung sa pakiramdam nito ay hindi na pareho ang kanilang adhikain.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro na hindi talaga magkakaroon ng magandang relasyon kung magkataliwas ang paniniwala ni Senador Marcos at ng administration coalition.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Una nang inihayag ng mambabatas sa social media may mga hakbang na ginawa ang administrasyon na salungat sa kanyang paninindigan at prinsipyo kaya nagpasya siyang umalis na sa alyansa. Ang tinutukoy ni Senador Marcos ay ang naging pag-aresto kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng madugong kampanya sa War on Drugs ng nakalipas na administrasyon.