NAG-pledge ang mga investor ng inisyal na 700 million pesos na investment para sa pagtatayo ng 3.5-hectare Coconut Industrial Park, para sa pag-develop ng major farm product ng lalawigan.
Sinabi ni Jhon Allen Berbon, head ng Provincial Economic Development and Investment Promotions Office, na malaking bahagi o 60 percent ng initial investment ay para sa infrastructure.
Ang natitira naman aniya na 40 percent paghahatian para sa manpower at operational expenses.
Layunin ng ikinakasang industrial park na magkaroon ng komprehensibong processing facility, makapag-produce ng coconut water, milk, oil, charcoal, at fiber, na may daily requirement na 300,000 coconuts.
Tututukan ng proposed industrial park sa bayan ng Bobon ang processing, manufacturing, at exporting ng coconut-based products.