KABUUANG labimpito umanong smuggled luxury cars na nagkakahalaga ng 366 million pesos ang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) mula sa isang Warehouse sa Makati city.
Sinabi ni BOC Customs Intelligence and Investigation Service Director Verne Enciso na binisita nila, kasama ang task force Aduana ng Philippine Coast Guard ang lokasyon para isilbi ang letter authority sa may-ari o kinatawan ng shop.
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Kasunod aniya ito ng natanggap nilang impormasyon hinggil sa naturang showroom kung saan makikita ang iba’t ibang mamahaling mga sasakyan.
Inihayag ng BOC na kailangan ito upang maberipika kung lehitimo ang importasyon ng mga sasakyan, at para matiyak na tama ang binayarang duties at taxes.
Kabilang sa initial inventory ang Ferrari 488 Spider, Ferrari 812 Superfast, Porsche Targa, Mercedes-Benz, BMW, Bentley, Audi, Mclaren, Land Rover, Ford Explorer, at iba pa.
