8 February 2025
Calbayog City
National

34,000 na pulis, ipakakalat para bantayan ang seguridad sa Mahal na Araw at Summer Vacation

MAGPAPAKALAT ang Philippine National Police (PNP) ng tatlumpu’t apat na libong mga tauhan para tiyakin ang kaligtasan ng mga bibiyahe sa summer vacation.

Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, bahagi ito ng kanilang Oplan Ligtas Sumvac (Summer Vacation), na nakatakdang i-activate bago ang Holy Week ‘exodus’.

Sinabi ni Fajardo na kabilang sa deployment ang pitunlibong trained tourist police officers na magbabantay sa malalaking bus terminals. 

Sa ilalim ng Oplan Sumvac, lahat ng regional at provincial police offices ay dapat buhayin ang kanilang contingency plans at i-maximize ang deployment ng kanilang personnel, sa pakikipagtulungan ng Local Government Units at Department of Tourism.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *